Handa na ang lokal na pamahalaan ng Maynila na bakunahan ang mga frontline personnel.
Ito’y ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno, naabot na ng lungsod ang minimum requirement ng Department of Health para sa target ng pagbabakuna sa A3 category.
Dagdag ni Moreno, maaari nang magsimula ang mga A4 category kung saan hinihintay na lamang na magkaroon ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Kabilang sa A4 category ang mga barangay officers at police personnel.
Sa ngayon, sinabi ng alkalde na ang mayroon pa lamang na bakuna ay second dose na para sa A1 hanggang A3 categories. — Sa panulat ni Rashid Locsin.