Pinalawig ng Philippine National Police (PNP) ang frontline services ng civil security group sa national headquarters.
Batay sa direktiba ni PNP Chief General Debold Sinas, ito’y para mas maraming ma-accomodate na kliyente at maiwasan din ang pagdagsa ng mga aplikante kada araw sa License to Exercise Security Profession (LESP) para sa private security at license to own and possess firearms (LTOFP) sa itinalagang one-stop-shop (OSS) sa Kampo Crame.
Ibig sabihin mag-o-operate ang naturang OSS ng higit sa regular na araw ng trabaho.
Bukod dito, may operasyon din tuwing weekends at holidays simula sa November 28 hanggang December 13, 2020.
Nililimitahan naman ang bilang ng mga aplikante kada araw sa pamamagitan ng online queuing system.