Dapat umanong maging prayoridad ang mga frontline workers sa pagbibigay ng bakuna sa oras na maging available na ito sa bansa.
Ayon sa ekspertong si Dr. Edsel Salvana, member ng technical advisory group na nagbibigay ng opinyon at payo sa Department of Health, ang mga kagaya ng health-care workers na siyang may pinakakritikal na papel sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang dapat prayoridad na mabigyan ng bakuna.
Kabilang din aniya rito ang mga law enforcers, grocery store workers at public utility drivers na katuwang sa pagbabangon ng ekonomiya.
Ang mga ito umano ang may malaking tyansang mahawa ng COVID-19 dahil sa uri ng kanilang hanap-buhay kaya marapat lamang na mabigyan sila agad ng bakuna upang maiiwas sila sa pagkahawa ng COVID-19.