Makatatanggap ng P1-M benepisyo ang mga nasawing health workers ng lungsod Maynila dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Alinsunod ito sa nilagdaang Ordinance Number 8639 0 bagong bayani endowment benfit ordinance of 2020 ni Manila City Mayor Isko Moreno.
Sakop ng ordinansa ang lahat ng mga health workers at empleyado ng mga ospital na pinangangasiwaan ng pamahalaang lungsod at Manila Health Department, anuman ang employment status.
Ayon kay Moreno, kabilang sa kuwalipikadong benepisyaryo ng mga nasawing health workers ang kanilang naulilang asawa at mga anak, mga magulang, kapatid o pinakamalapit na nakatatanda o nakababatang kamag-anak.
Sakali namang hindi kasal at may anak, tatlumpung porsyento ng benepisyo ang mapupunta sa kinakasama habang 70% sa mga anak.
Dagdag ni Moreno, sakop ng ordinasa ang mga nasawing health workers mamgmula nang magdeklara ng public health emergency sa Pilipinas noong Marso 8 at mananatiling epektibo hanggang wala pang bakuna sa COVID-19.