Tatangkain ng Phoenix Petroleum Fuel Masters na makabawi mula sa kanilang dalawang sunod na pagkatalo sa 2016-2017 PBA All Filipino Cup.
Makakaharap ng Fuel Masters ang Meralco Bolts sa unang game sa Filoil Flying V Arena sa San juan, mamayang alas-4:00 ng hapon.
Hinamon pa ni Phoenix Coach Ariel Vanguardia ang kanyang team na ipakita na nila ang kanilang husay at “tigas.”
Ayon kay Vanguardia, matapos nilang talunin ang defending champion San Miguel Beermen at Mahindra Enforcers ay inakala ng lahat na umaangat na ang Fuel Masters.
Sa ngayon ay hawak na ng Phoenix ang 2 wins at 3 losses habang mayroong tig-dalawang panalo at talo ang Bolts.
Samantala, para sa second game ay magsasagupaan ang Black Water Elite at Global Port Batang Pier, mamayang alas-7:00 ng gabi.
By Drew Nacino