Naiuwi ng Phoenix Super LPG Fuel Masters ang panalo kontra NLEX road warriors, 111-97, sa PBA Commissioner’s Cup sa Philsports Arena.
Bumanat si Tyler Tio ng 26 points kung saan lima rito ay tres; nag-ambag naman ng 23 points si Jayvee Mocon habang 22 points 21 rebounds at 7 assists naman ang iginawad ni Kaleb Wesson.
Ito ang unang talo ng road warriors matapos ang 2-0 record nito nang buksan ang midseason conference.
Nakalikom naman ng 36 points, 20 rebounds at 8 assists si NLEX import Earl Clark habang nag-ambag naman ng 18 points si Celedonio Trollano at 16 points naman kay Kevin Alas.—mula sa panulat ni Hannah Oledan