Handa na ang gobyerno na magbigay ng ayuda sa apektadong sektor tulad sa transportasyon at agrikultura, sa gitna ng walang patid na oil price increase.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), kasado na ang 2.5 billion peso fuel subsidy program para sa mga apektadong sektor upang maibsan ang epekto ng hindi maawat na pagtaas ng presyo ng oil products.
Inihayag ng DOTr-Development Budget Coordination Committee na magbibigay ang gobyerno ng fuel vouchers sa mahigit 377,000 qualified driver ng jeep, UV express, taxi, tricycle at iba pang full-time ride-hailing at delivery services sa buong bansa.
Nito lamang Martes ay inilarga ng mga kumpanya ng langis ang ika-walong sunod na linggong price increase.
Kahapon naman ay sumipa sa 105 dollars ang presyo ng kada bariles ng krudo sa international market sa pagsisimula nang paglusob ng Russia sa Ukraine.