Sa harap ng napipintong panibagong oil price increase bukas, ilan pang Public Utility Vehicle (PUV) Drivers ang hindi pa rin nakatatanggap ng fuel subsidy.
Ibinunyag ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) na nakatanggap sila ng mga ulat na hindi pa ibinibigay ng ilang operator ang fuel subsidies sa mga tsuper.
Ayon kay ALTODAP National President Boy Vargas, maaaring winithdraw na ng ilang operator ang cash na hindi naman binigay sa mga jeepney driver.
Una nang inihayag ng Land Transportation Franchising anD Regulatory Board (LTFRB) na aabot sa 703 million pesos na halaga ng fuel subsidies ang ini-release para sa mahigit isandaanlibong benepisyaryo.
Nasa 6,500 pesos ang halaga ng subsidy sa bawat tsuper bilang unang bahagi ng pantawid pasada program upang maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng krudo.