Maganda umanong hakbang ang pasya ng Pamahalaan na magbigay ng fuel subsidy sa mga tsuper dahil sa walang puknat na pagtaaas ng presyo ng langis.
Ayon kay Senate Labor, Employment and Human Resources Development Chairman Joel Villanueva, ay dahil makapagbibigay ang subsidiya ng kaunting ginhawa sa mga Public Utility Driver.
Ang hamon anya ngayon ay kung paano mabilis na mailalabas at maipamamahagi ang P1-B fuel subsidy lalo’t batid naman ang naging problema sa distribusyon ng Social Amelioration Program Funds sa ilalim ng Bayanihan Law, noong isang taon.
Naniniwala si Villanueva na mas maganda ang pagpapatupad ng pansamantalang suspensyon o pagbawas ng excise tax sa langis.
Hindi lamang anya mga tsuper, kundi maging mga commuters lalo ang mga minimum wage earners na araw-araw gumagamit ng public transportation ang makikinabang sa oras na suspendehin ang excise tax sa oil product. — sa ulat ni Cely Bueno (Pat. 19) at sa panulat ni Drew Nacino