Nagsagawa ang pamahalaan ng mabilisang paglabas ng fuel subsidy para sa mga operators at drivers ng pampublikong sasakyan.
Ayon kay acting budget secretary tina Rose Canda, nagpasya ang Department of Energy (DOE) na isama ang Disyembre bilang unang buwan kung kailan sumipa sa 80 dollars per barrel ang presyo ng langis sa World Market.
Batay aniya sa sinusunod na panuntunan ng gobyerno, kailangang umabot sa tatlong magkakasunod na buwan na lampas sa 80 dollars per barrel ang langis bago maglabas ng pondo sa fuel subsidy.
Ani Canda, kung January pa nila sinimulan ang computation, Abril pa makakatanggap ang mga tsuper na tiyak aniyang hindi na mahihintay pa lalot sunod-sunod ang oil price hike.