Ikinakasa na ng Department of Agriculture (DA) at Department of Energy (DOE) ang fuel subsidy para sa mga mangingisda at magsasaka.
Ayon kay DA Secretary William Dar, inaasahan nilang matatapos ang guidelines ngayong linggo upang agad itong maipatupad.
Sinabi ni Dar na malaking bahagi ng cost of production ng mga mangingisda at magsasaka ang petrolyo.
Meron kaming fina-finalize na arrangement na tutulong din ang pribadong sektor dito sa mga mangingisda kasi pumupunta sila sa open seas, so, ito ay mataas na parte sa cost of production, maganda po ang ugnayan lahat ngayon,” ani Dar. —sa panayam ng Ratsada Balita