INANUNSIYO ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na aprubado na ang isang bilyong pisong fuel subsidy para sa mga public utility vehicle drivers sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ngunit ipinaliwanag ni LTFRB Chairman Martin Delgra na ang pondo ay para lamang sa mga lehitimo o kwalipikadong franchise holders at maging ng kanilang mga driver, partikular ang mga nasa sektor ng traditional public utility jeepney o PUJ.
Sinabi ni Delgra na ilalabas ang pondo sa ilalim ng Pantawid Pasada Program ng LTFRB na unang ipinakilala noong 2018 at 2019.
Gayunman, nilinaw ng opisyal na hindi pa tiyak kung kailan ire-release ang nasabing subsidy.