Handang ipagpatuloy ng pamahalaan ang fuel subsidy program sa mga sektor ng transportasyon.
Ito ang inihayag ni Department of Finance secretary Benjamin Diokno para makatulong sa mga kababayan na lubhang apektado ng sunod-sunod na mataas na singil sa presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Ngunit sinabi rin ni Diokno na inaasahan naman na magiging stable na ang presyuhan ng langis sa world market.
Sa kabilang banda, ipinabatid naman ni Department of Budget and Management secretary Amenah Pangandaman bagama’t sinabi ng pamahalaan na handa itong ipagpatuloy ang fuel subsidy program ay wala pa aniya silang natatanggap na kahilingan mula sa Department of Transportation (DOTr).