Hindi sapat ang 3,000 pisong fuel subsidy para sa mga mangingisda.
Ito ang binigyang-diin ni Ronnel Arambulo, tagapagsalita ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), sa panayam ng DWIZ.
Giit ni Arambulo, halos lahat ng kita ng mga mangingisda ay napupunta na lamang sa langis kaya’t marami sa kanila ang huminto na sa pagpalaot at naghanap ng ibang trabaho.
Ngayong araw ay sisimulang ipamahagi ang nasabing subsidy sa mga magsasaka at mangingisda upang maibsan ang epekto ng walang prenong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Maliban sa fuel subsidy, kabilang rin aniya sa kanilang panawagan ay ang P15,000 na production subsidy at pagsuspindi sa Excise Tax.