Kinumpirma ni Antique Governor Rhodora Cadiao na nahaharap sa kakulangan sa suplay ng krudo ang lalawigan.
Ito’y makaraang masira ang mga pangunahing tulay na nagdurugtong sa Antique patungong Aklan at Iloilo.
Ayon kay Cadiao, hindi makararating sa kanila ang gasoline supply dahil sa pagkasira ng Paliwan Bridge na nagdurugtong sa Aklan at Miag-Ao Bridge na patungo namang Iloilo.
Dahil dito, ipinag-utos na ng Gobernadora ang pagpapatupad ng “No-Full Tank” policy na nagdulot naman ng bahagyang panic sa mga residente.
Sisikapin naman anya nilang maisaayos ang tulay sa loob ng dalawang linggo.