Itataas ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang seguridad ng Metro Manila sa full alert status sa araw ng ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa Lunes, Hulyo 24.
Ito, ayon kay NCRPO Chief, Director Oscar Albayalde ay upang mapigilan ang anumang tangkang panggugulo ng New People’s Army o anumang grupo.
Magpapakalat anya ng skeletal force ang NCRPO sa paligid ng Batasang Pambansa simula Sabado.
Halos 400 pulis ang ikakalat sa mga lugar malapit sa Batasan at pagdating ng Lunes ng madaling araw ay ibubuhos nila ang kanilang puwersa.
Dagdag ni Albayalde, maging ang mga mataong lugar sa Metro Manila gaya ng mga mall at transport terminal habang ide-deploy din ang PNP-Special Weapons and Tactics.
By Drew Nacino
Full alert status ilalarga ng PNP sa araw ng SONA was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882