Hindi na matutuloy ang nakatakdang implementasyon ng full cashless toll collection sa expressways simula sa Marso 15.
Inanunsyo ni Transportation Secretary Vince Dizon, na nagbigay na siya ng kautusan sa Toll Regulatoty Board para suspendihin ang cashless toll system.
Hindi pa anya napapanahon na maipatupad ang full cashless toll collection.
Idinagdag pa ng bagong Kalihim, na nakita niya kung paanong nagkabuhol-buhol ang mga sasakyan noong unang sinubukang ipatupad ito.
Kakusapin muna ng kalihim ang toll operators ng NLEX at slex at titingnan kung epektibo na ang kanilang sistema.
Naniniwala rin si Dizon na anti-poor ang cashless system sa mga expressways.