Muling ipinagpaliban Toll Regulatory Board (TRB) ang pagpapatupad ng full cashless toll transactions sa North Luzon Expressway (NLEX) at sa South Luzon Expressway (SLEX) ngayong araw.
Ayon ito kay Raymundo Junia, TRB board member, na nasuspinde ang IRR ng nasabing kautusan.
Bunsod ito sa pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga tollways dulot ng mga RFID scanners na hindi gumagana sa toll booths.
Dagdag pa ni Junia, dapat maitama o maisaayos ang ng toll operators ang lahat ng problema sa kanilang RFID system bago ipatupad ang nasabing kautusan.
Hindi naman nabanggit ng TRB kung kailan ang bagong deadline sa full implementation ng cashless transaction sa mga expressway.
Samantala, ayon sa NLEX management, nagsasagawa na sila ng pagaayos sa kanilang RFID system. — sa panulat ni John Jude Alabado