Masayang ibinalita ng San Miguel Corporation na nakahanda na ang mga tollways nito para sa buong implementasyon ng cashless transaction, ilang araw bago ang deadline na ibinigay ng pamahalaan.
Matatandaang binigyan ng palugit ang SMC hanggang Enero 11 upang i-implementa ang full cashless transaction sa mga tollways na pagmamay-ari ng kumpanya gaya ng Southern Tagalog Arterial Road (STAR) , South Luzon Expressway (SLEX), Skyway, NAIA Expressway (NAIAX) at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).
Ibinida pa ni SMC President & Chief Operating Officer Ramon Ang na nailagay na nila ang target nitong 156 Radio Frequency Identification (RFID) installation sites bago matapos ang taong 2020.—sa panulat ni Agustina Nolasco