Nanawagan sa publiko si Information and communications Technology Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo na tumalima sa bagong tatag na Sim Registration Law.
Magugunitang nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos noong Oktubre ang naturang batas na layong sugpuin ang lumalalang insidente ng mga text scam, misinformation at spam messages.
Ayon kay Lamentillo, lalabanan din ng batas ang human trafficking, online sexual abuse at exploitation sa mga bata.
Wala naman anyang gagastusin kahit singko ang mga subscriber sa implementasyon ng Sim Registration Law.
Alinsunod sa naturang batas, kailangan nang iparehistro ang sim card ng subscribers gamit ang pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian, postal address at valid government identification na may kasamang litrato.
Muling ipinaalala ni Lamentillo na ang kabiguan na magparehistro sa loob ng anim na buwan ay magreresulta sa deactivation ng sim o hindi na ito magagamit ng subscriber.