Umapela ang Federation of Associations of Private Schools and Administrators (FAPSA) kay Department of Education Secretary at Vice President Sara Duterte na irekonsidera na ipatupad ang full face to face classes sa Nobyembre.
Ito’y kasunod ng inilabas na DepEd order no.034 kung saan nakasaad ang pagbabalik ng limang araw na in person classes sa November 2.
Sinabi ni FAPSA President Eleazardo Kasilag, nag-aalangan sila sa mandatory face to face classes sa mga pribadong paaralan.
Aniya, marami sa mga pribadong paaralan ang nakapagsimula na ng enrollment at naghahanda na para sa pagpapatuloy ng blended learning.
Hiling rin ni Kasilag na magkaroon ng extensive consultation sa naturang usapin para sa kapakanan ng mga private school stakeholders.