Anim (6) na whistleblowers ng pork barrel scam ang humihingi ng full immunity kay Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Ang anim na whistleblowers ay sina Benhur Luy, Ruby Tuason, Marina Sula, Merlina Sunias, Mary Arlene Baltazar at Simonette Briones.
Ayon kay Atty. Lourdes Benipayo, utay-utay ang ibinigay na immunity sa mga Priority Development Assistance Fund (PDAF) whistleblowers kayat naisasama pa rin sila sa ilang mga kaso na may kinalaman rin sa PDAF scam.
Pinuna ni Benipayo ang kabiguan ni Morales at Senador Leila de Lima na noo’y kalihim ng Department of Justice (DOJ) na bigyan ng proteksyon ang mga testigo gayung ang kanilang testimonya ang pangunahing naging basehan ng mga plunder cases laban sa malalaking personalidad tulad nina dating Senador Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada.
By Len Aguirre
Photo Credit: Senate PH