Nagpahayag na ng suporta ang Coordinating Council of Private Educational Associations o COCOPEA sa full implementation ng K to 12 program.
Ayon kay COCOPEA Chairman, brother Jun Erguiza, handa na nilang yakapin at tanggapin ng buong puso ang pinaka-malaking pagbabago sa sektor ng edukasyon sa bansa.
Batid anya nila ang mga hamong kinakaharap ng K to 12 at sa kabila nito ay tinitiyak ng COCOPEA na ipatutupad ng maayos ang education reform para sa kapakanan ng kabataang pilipino.
Ang COCOPEA ay binubuo ng mahigit 2,500 private education institutions sa bansa.
By: Drew Nacino