Muling pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na simula na ngayong araw ang mahigpit na pagpapatupad sa ‘no window policy’ sa number coding scheme sa EDSA at C5.
Ito ay sinabi ni MMDA acting Chairman Thomas Orbos, matapos magtagumpay ang kanilang ginawang dry run noong nakaraang linggo na nagresulta sa pagbabawas ng 10 minuto sa haba ng biyahe mula Monumento hanggang Roxas Boulevard.
Layunin nito na mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Mananatiling epektibo ang no window hour hanggang Enero 31 ng susunod na taon.
Ayon kay Orbos, kanila na ring pinag-aaralan ang pagpapatupad ng no window policy sa Alabang-Zapote at Roxas Boulevard.
Bahagi ng pahayag ni MMDA acting Chairman Thomas Orbos
Provincial bus terminal
Samantala, matatanggal na sa EDSA ang 8,000 bus, kapag naitayo na ang istasyon ng provincial buses sa labas ng Maynila.
Ayon kay MMDA acting Chairman Thomas Orbos, maaaring maitayo na ang mga istasyon sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon.
Maliban dito, tiniyak din ni Orbos na ang mga bagong prankisa mula sa LTFRB ay hindi na makakaabot sa EDSA ang ruta ng mga bus na pang-probinsya.
Bahagi ng pahayag ni MMDA acting Chairman Thomas Orbos
By Katrina Valle | Ratsada Balita