Nakabinbin pa ang full implementation ng travel ban sa Gyeongsang Province sa South Korea.
Ito, ayon sa Bureau of Immigration (BI), ay dahil hinihintay pa nila ang kopya ng resolusyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases hinggil sa pinaiiral na partial ban.
Sinabi ng BI na mayroon silang nais linawin sa task force hinggil sa nasabing travel ban bagamat malinaw naman sa kanila na bawal pumasok sa Pilipinas ang mga dayuhan na mula sa Daegu City at North Gyeongsang Province.
Sa ngayon ay ipinatutupad ng BI ang travel ban para sa mga Pinoy na paalis patungong South Korea at tanging ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) lamang, mga mayroong permanent residents at student visa holders ang papayagang makaalis.