Muling ipatutupad ng Austria ang full COVID-19 lockdown sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng nagkaksakit at mababang vaccination rate.
Ayon kay Austrian Chancellor Alexander Schallenberg, magsisimula ang lockdown sa Lunes at gagawing legal requirement ang COVID-19 vaccination sa buong populasyon.
Ang Austria ang may pinaka-mataas na infection rate sa buong Europa, na may seven-day incidence na 991 per 100,000 people.
Kamakailan ay nagpatupad ang Austrian Government ng lockdown sa mga hindi bakunado pero nagpasyang ilarga ito sa buong bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID cases.
Samantala, posible namang sumunod ang Germany na magpatupad ng full lockdown dahil sa nararanasang 4thwave ng COVID pandemic. —sa panulat ni Drew Nacino