Dapat nang payagan ang full operation ng mga provincial bus lalo sa bahagi ng Northern Luzon.
Ito ang panawagan ng Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas Incorporated sa gitna ng patuloy na pagluluwag ng Covid-19 alert system sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon kay Vincent Rondaris, pangulo ng naturang grupo, tila nakalimutan na ng pamahalaan ang mga provincial bus sa kabila ng patuloy na paglobo ng mga pasahero mahigit isang buwan bago mag-pasko.
Nasa 3 hanggang 8% anya ng mga bus sa kanilang hanay ang bumibiyahe at karamihan ay pa-South pa lamang.
Aminado si Rondaris na problema rin ng mga provincial bus ang magkakaibang quarantine protocols ng mga lalawigan sa norte at ang end point sa North Luzon Express Terminal sa Bocaue, Bulacan.
Mas nais anya nilang gumamit ng pribadong terminal na hindi gaanong crowded o siksikan. —sa panulat ni Drew Nacino