Full operational capacity na sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang ilang establisyimento at papayagan na rin ang mass gathering na limitado sa mga serbisyo ng pamahalaan at otorisadong humanitarian activities.
Sa ilalim ng bagong guidelines na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) noong ika-22 ng Mayo, hindi na skeletal force ang iiral sa mga pampubliko at pribadong ospital, health at emergency frontline service tulad ng dialysis centers, chemotherapy centers at iba pa.
Puwede na rin in-full operations ang manufacturers ng medical supplies, devices at equipment, agriculture, forestry at fishery industries at delivery at courier service kung saan kasama ang damit, accesories, housewares at iba pang supplies.
50% operations capacity naman ang pinapayagan sa mga establisyimento na nagbibigay ng essential goods and services, media establishments at railway related projects na accredited ng Department of Transportation (DOTr).
Samantala, mananatili ang skeleton force sa mga printing press na otorisado ng BIR para magprint ng accountable forms, repair and maintenance ng mga makina kabilang ang computers at household fixtures at real estate activities bagamat limitado ito sa leasing activity lamang.