Inaasahang magsusumite ng full report si Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang isinagawang situation briefing kaugnay ng pagtama ng magnitude 6.5 na lindol sa Leyte.
Sa nasabing situation briefing, kapwa nagbigay sina Ormoc City Mayor Richard Gomez at Kananga Mayor Rowena Cedilla ng kanilang pagtaya kasunod ng pagtama sa kanilang lugar ng malakas na lindol.
Lumabas sa assessment ng nasabing local executives na ideklara ang state of calamity sa Ormoc, at Kananga sa Leyte, habang nakita naman ng NEDA ang pangangailangang maibalik sa normal sa lalong madaling panahon ang energy situation sa mga apektadong lugar.
Bukod kay Lorenzana, kasama rin sa situation briefing sina DPWH Secretary Mark Villar, DOTr Secretary Arthur Tugade, Energy Secretary Alfonso Cusi, NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad at mga kinatawan mula sa Department of Agriculture, Department of Budget and Management, NEDA, DSWD at Department of Health.
By Meann Tanbio
Full report kaugnay sa Leyte quake isusumite sa Pangulo was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882