Suportado ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang full resumption ng face-to-face classes sa buwan ng Agosto.
Ayon kay NEDA secretary Arsenio Balisacan, kanilang itataguyod ang tuluyang pagbabalik ng face-to-face classes ngayong school year 2022-2023.
Layunin nitong matugunan ang COVID-induced education crisis sa kabila ng gumagandang COVID risk management na nakita sa mababang hospitalization rate sa kasalukuyan.
Iginiit ng kalihim na kung hindi matutugunan ang edukasyon sa bansa, malaki ang posibilidad na maapektuhan ang competitiveness ng labor force sa hinaharap.
Matatandaang una nang sinabi ng NEDA na sakaling mailagay sa Alert level 1 ang buong bansa at maipatupad na ang full resumption ng face-to-face classes ay tuluyan nang makakarekober ang ekonomiya ng bansa.