Inilunsad na ng Russia ang kanilang full-scale invasion sa Ukraine.
Kinumpirma ng Ukrainian Government na nagpapatuloy ang pagsalakay ng Russia mula sa iba’t ibang direksyon, partikular sa mga mahalalagang imprastruktura, tulad ng mga airport at military base.
Kabilang sa mga binobomba gamit ang mga missile, mortar shells at iba pang projectile, ang kabisera na Kyiv (kiv); mga lungsod ng Chernobyl, Kharkiv at Mariupol.
Tina-target din sa airstrike ng Russia ang ilang bahagi power plant at mga linya ng komunikasyon.
Samantala, sinimulan na ring bombahin ng mga Russian warship ang Ukrainian Naval Base sa Ochakiv.