Inilunsad na ang Wastewater-Based Epidemiology (WBE) para sa SARS-Cov-2 para sa Covid-19 surveillance sa Metro Manila.
Dinisenyo ang pasilidad para ma-detect at ma-quantify ang mga umuusbong na contaminant sa tubig, kabilang ang SARS-COV-2 virus, sa wastewater gamit ang polymerase chain reaction machine.
Bilang bahagi ng accelerating Sanitation for all in Asia and the Pacific ng Asia’s Development Bank, layunin ng proyekto na tulungan ang Manila Water na i-develop ang kakayahan nito na gumawa ng Wastewater-Based Epidemiology para sa surveillance ng SARS-COV-2 at ng kasalukuyang lab nito.
Nakatanggap naman ng $1.1M ang ADB mula sa Austrian Government para suportahan ang mga aktibidad na may kaugnayan sa pagsubaybay sa kapaligiran at layunin ng lungsod kasama ang kalinisan at pagbabago ng klima.
Ito ay magbibigay-daan sa Manila Water na ipagpatuloy ang seguridad ng tubig para sa 7.4 milyong customer nito. —sa panulat ni Hannah Oledan