Magsisimula na ang fully cashless tollways ng San Miguel sa ika-11 ng Enero.
Ito’y matapos maabot ng SMC ang target na 156 na Autosweep RFID station nuong Disyembre 29.
Batay sa abiso ng San Miguel, naglagay na sila ng 24/7 stickering stations sa mga toll plaza.
Mayroon na rin umano silang siyam na RFID centers, 18 gas station installation sites, 11 local government at lto sites.
Ang San Miguel Corp. ang nagpapatakbo ng Star Tollway, SLEX, Skyway, NAIA Express Way at TPLEX.