Papayagan na muling bumiyahe ang mga Filipino na fully vaccinated laban sa COVID-19 sa Singapore nang hindi kailangang mag-quarantine, simula sa Marso a-kwartro.
Ito’y sa pamamagitan ng Vaccinated Travel Lane (VTL) Program ng Singapore kung saan kailangan lang kumuha ng flight na pang-VTL at kumpletuhin ang requirements.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat, sa ilalim din ng programa ay maaari nang bumiyahe sa Pilipinas ang mga bakunadong taga-Singapore nang hindi rin nagka-quarantine.
Sa ngayon ay nasa 22,000 turista na ang dumating sa Pilipinas sa unang sampung araw pagbubukas ng bansa sa mga fully vaccinated na foreign travelers. -sa panulat ni Mara Valle