Pupuwede nang mag biyahe sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ at MGCQ ang mga menor de edad at fully vaccinated individuals na mahigit 65 taong gulang mula sa Metro Manila.
Ayon ito kay Presidential Spokesman Harry Roque matapos magpasok ng probisyon ang IATF sa mga guidelines hinggil sa pilot implementation ng alert level system para sa COVID-19 response sa Metro Manila.
Bukod sa menor de edad at fully vaccinated individuals na 65 years old pataas, sinabi ni Roque na pinayagan na ring makapag biyahe ang mga fully vaccinated indivuals na mayroong immunodeficiencies, comorbidities at iba pang health risks at fully vaccinated pregnant women.
Gayunman, iginiit ni Roque na kailangan pa ring sumunod sa iba pang panuntunan at health protocols na ikinakasa ng DOT at LGU na nakakasakop sa lugar na pupuntahan. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)