Maaari nang tumanggap ng COVID-19 booster shots ang lahat ng fully vaccinated na healthcare workers simula bukas.
Inirekomenda ng Department of Health sa healthworkers ang mga bakuna ng moderna, Pfizer, at Sinovac bilang booster doses.
Nakatakda namang ianunsyo ng national vaccine operations center ngayong araw ang guidelines para dito.
Matatandaang naglaan ang DOH ng 45 bilyong pisong pondo para sa pagbili ng COVID-19 booster shots.