Aabot na sa higit 60% na mga kabataang edad 12 hanggang 17 ang fully vaccinated na kontra COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary at National Vaccines Operation Center (NVOC) head Myrna Cabotaje, simula Nobyembre noong nakaraang taon, nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna ang 65.6% na mga kabataan sa nasabing age group.
Habang 77% naman o katumbas ng 8.8 million mula sa 11.4M na mga kabataan ang nabigyan na ng first dose.
Pero aabot pa lamang sa 23% o katumbas ng 299K mula 1.2M na mga kabataang may comorbidity pa lamang ang fully vaccinated.
Kasabay nito, nilinaw ni Cabotaje na wala pa ring pag-aaral na nagrerekomenda para sa pagbibigay ng booster shot sa mga kabataan. —sa panulat ni Abie Aliño-Angeles