Tatanggap ng 25 kilong bigas, ang mga residenteng naka-kumpleto na ng kanilang bakuna kontra COVID-19, sa Vigan, Ilocos Sur.
Ayon kay Mayor Juan Carlo Medina, layon ng nasabing hakbang na mas mahikayat ang hindi pa bakunadong mga residente sa syudad.
Paliwanag ng Alkalde, upang makatanggap ng nasabing benepisyo ay kinakailangang fully vaccinated ang residente at mismong sa lungsod ng Vigan nabakunahan.
Target ng lokal na pamahalaan ng vigan na matapos ang pamimigay ng benepisyo sa Disyembre.—sa panulat ni Joana Luna