Pinapayagan na mag-dine-in ang mga customer na non-Authorized Persons Outside of Residence sa mga restaurant sa Tagaytay ngunit dapat ay fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Sa ilalim ng Executive Order no. 38 na nilagdaan ni Mayor Agnes Tolentino, pinapahintulutan ang indoor dine-in services sa 10% capacity ng lugar at al fresco o outdoor dining para sa 30% kapasidad ng establisimyento.
Kailangan din na fully vaccinated na ang lahat ng empleyado ng establisyimento o restaurant at dapat na may divider o acrylic glasses ang kainan, natitiyak ang physical distancing, at regular ang disinfection.
Noong agosto nang buksan ang mga kainan sa Tagaytay ngunit eksklusibo lamang ito para sa mga APOR.—sa panulat ni Hya Ludivico