Naglabas ang pamahalaan ng yellow card na maaring gamitin ng mga OFW na bakunado na kontra COVID-19.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Inabisuhan na nila ang mga OFW na kumuha ng International Certificate of Vaccination o yellow card kung kainakailangan para sa pupuntahan nilang bansa.
Bukod dito, inabisuhan din ng nasabing ahensya ang mga outbound travelers na may bakuna na na kumuha rin ng yellow card sa Bureau of Quarantine kung kailangan din sa bansang pupuntahan.
Ayon pa sa POEA, sila ay maglalabas ng yellow cards sa mga OFW hanggang sa maging fully operational na ang vaccination record portal.—sa panulat ni Rex Espiritu