Pumalo na sa 70.8 milyong Pilipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kasama sa bilang ang 9.3 milyong kabataang may edad 12 hanggang 17 at 3.6 milyon na may edad 5 hanggang 11.
Pumalo na rin sa mahigit 15.2 million individual ang nakatanggap ng unang booster dose habang 895,000 health care workers, senior-citizens, immuno-compromised at mayroong comorbidities ang nakapagpaturok ng ikalawang booster.
Muli namang hinikayat ni Vergeire ang publiko na tumanggap na ng booster bilang dagdag proteksyon laban sa COVID-19.