Nagpositibo sa COVID-19 si Manila Vice Mayor Sheilah “Honey” Lacuna kahit fully vaccinated na ito.
Ayon kay Lacuna, kahapon lamang niya natanggap ang resulta ng test kaya’t magpapahinga muna siya sa trabaho at magpapagaling.
Nanawagan din sa mga Manileño si Lacuna ng pang-unawa at panalangin para sa mabilis niyang recovery.
Kabilang ang Bise Alkalde, na isang doktor, sa mga unang binakunahan sa Maynila noong Marso.—sa panulat ni Drew Nacino