Naglabas na ang Metro Manila Council ng guidelines sa pagsasagawa ng contact sports events, tulad ng basketball, sa National Capital Region.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ang lahat ng in-venue individuals maging players at spectators ay dapat na fully vaccinated bago payagang maglaro o manood ng sporting events kahit indoor o outdoor.
Mas lantad anya sa physical contact ang mga player kaya’t dapat mga fully vaccinated adults at minors lamang ang pinpayagang manood ng mga sporting events.
Dapat ding nakasuot ang face mask habang nakaupo sa bench at papayagang alisin habang naglalaro.
Mangunguna naman sa pagpapanatili ng venue capacity ang mga concerned official o venue owner at pagpapatupad ng vaccination requirements. —mula sa panulat ni Drew Nacino