Pumalo na sa 73 million filipinos o katumbas ng 94.41% ng population target ang bakunado o fully vaccinated na laban sa Covid-19.
Ito ang kinumpirma ni Department of Health (DOH) OIC Maria Rosario Vergeire, kung saan 6.9 million senior citizens o katumbas ng 79.43% sa target A2 population ang naturukan na ng kanilang primary series.
Samantala, 21 million individuals naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots sa tulong na rin ng Covid-19 response ng pamahalaan.
Muli namang nanawagang DOH sa publiko na kumpletuhin ang bakuna maging ang booster shots bilang proteksiyon laban sa Covid-19.