Hindi na obligahang sumalang sa confirmatory swab test ang mga full vaccinated tourists na magtutungo sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro.
Ayon ito kay Puerto Galera Mayor Rocky Ilagan bagamat sasailalim pa rin sa strict interview ang mga biyahero.
Sinabi ni ilagan na mahigit isa’t kalahating taon na nilang ipinatutupad ang mahigpit na border control kung saan talagang ino-obliga nilang sumailalim sa RT-PCR test ang mga hindi pa bakunado na papasok sa kanilang lugar.
Binibigyan aniya nila ng QR code ang mga biyahero para matukoy ang galaw ng mga ito para sa posibleng contract tracing sakaling na expose sa isang COVID-19 positive.