Umabot na sa mahigit dalawang milyong (2.1-M) kabataang nasa edad 12 hanggang 17 ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, Jr., nasa higit pitong milyong kabataan naman ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna.
Aniya, malaking parte sa pagbubukas ng face-to-face classes ang nasabing bilang ng mga bakunadong kabataan.
Matatandaang nagsimula ang pediatric vaccination sa bansa noong Oktubre 2021. —sa panulat ni Airiam Sancho