46 na functional specialty centers na ang naipatayo ng Department of Health sa buong bansa.
Ayon kay Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, karagdagang 104 na specialty centers pa ang ipatatayo ngayong taon.
Ang mga nasabing pasilidad ay tututok sa ilang partikular na karamdaman na nangangailangan ng special treatment para sa mga mamamayan.
Layunin din nitong mailapit ang medical services ng gobyerno, lalo sa mga naninirahan sa mga rural area bukod pa sa mga primary care facility.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng kabuuang 2,800 primary care facility sa bansa ang accredited ng PhilHealth. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla