Dumagsa sa mga kalsada ang mga tagasuporta at kababayan ni dating Japan Prime Minister Shinzo Abe para makapagbigay ng kanilang huling pagpupugay sa pinaslang na dating opisyal.
Ayon sa report, isinagawa ang isang private funeral sa Zojoji Temple bago dinala ang mga labi nito sa Tokyo kung saan siya isinalang sa cremation.
Dumaan din ang funeral ni Abe sa headquarters ng partido nito na Liberal Democratic Party bago sa kanyang bahay kung saan sinalubong siya ni Prime Minister Fumio Kishida at iba pang mambabatas.
Idinaan din ang funeral sa parliament building kung saan unang naging lawmaker si Abe noong 1993.
Bagamat pribado dapat ang ginawang funeral service, hindi nagpatinag ang mga kababayan ni Abe na dumagsa sa labas ng Zojoji Temple sa Central Tokyo kung saan bumaha ng bulaklak.