Inakusahan ng Communist Party of the Philippines si dating Pangulong Fidel Ramos na kumikiling sa Amerika.
Ito ang inihayag ng komunistang grupo makaraang batikusin ni FVR ang unang 100 araw sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan tinawag niyang dehado ang Pilipinas.
Ayon sa CPP, nakatakda na umanong pag-isahin ni Ramos na isang “amboy top dog” ang mga pro-US Camp upang pilitin si Pangulong Duterte na i-atras nito ang independent foreign policy.
Iginiit ng rebeldeng grupo na dapat mag-ingat ang Pangulo kay FVR lalo’t tila nakikipag-ugnayan na ito sa US Forces upang kontrahin ang mga polisiya ng Duterte adminstration laban sa presensya ng mga tropang Kano sa Pilipinas.
Si Ramos na isa sa mga supporter ni Pangulong Digong ang itinalagang emisaryo sa Beijing para sa bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at China sa issue ng maritime dispute sa West Philippine Sea.
By Drew Nacino