Tiniyak ni dating Pangulong Fidel Valdez Ramos na mananatili siyang kaibigan ng Administrasyong Duterte.
Inihayag ito ng dating Pangulo kasunod ng pagbibitiw nito bilang special envoy ng Pilipinas sa China.
Maka-ilang ulit na binatikos ni Ramos ang Pangulong Duterte dahil sa istilo nito ng pamamahala partikular na sa malamig na relasyon nito sa Amerika at ang pagtangi na lumagda sa climate change protocol kung saan, bahagi ang Pilipinas.
Una nang inihayag ng Malakaniyang na nasa kamay na ng Pangulo ang resignation letter ni Ramos at bahala na ang Pangulo kung tatanggapin iyon o hindi.
By: Jaymark Dagala